BREED NG INAHING MANOK PARA MAKAPAGPAPISA KAHIT WALANG INCUBATOR | FREE RANGE CHICKEN FARMING
Like 3 Dislike 0 Published on 21 Apr 2020
Dahil sa kasalukuyang popularidad ng free range chicken farming lalong lalo na ng heritage chickens gaya ng mga breed na Rhode Island Red at Barred Plymouth Rock, maraming backyard raisers ang naeengganyo rin na mag- alaga nito subalit ang Kauna unahang problemang kanilang kinakaharap ay Kung paano pararamihin ang mga ito sa kadahilanang Hindi sila naglilimlim at may kamahalan din ang incubator.
Ang pagpapalimlim nga ba ng mga itlog sa native na manok ang solusyon o may mas angkop na breed ba ng manok na makakatulong sa suliraning ito?
Yan ang pag-uusapan natin.
PAUNAWA:
Ang mga ibinabahagi ko sa channel na ito ay pawang base sa sarili kong karanasan sa pagpapatakbo ng maliit kong farm na sinimulan ko noong 2017. Hindi ako eksperto. Hindi rin ako agriculturist o veterenarian. Sa katunayan ang propesyon ko ay malayo sa mga larangang ito.
Kung may mga tagasubaybay tayo na nais rin magbahagi Ng kanilang kaalaman, bukas ang ating channel ukol rito.
#chinesesilkie
#freerangechickens
#freerangechickenfarming
#heritagechickens
#buhayprobinsya
#islandliving
#islandlife